Edom


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Edom
Ang Edom ay isang pangalan o salitang may ibig sabihing "mapula". Ito ang naging katawagan o isa pang pangalan para kay Esau na anak ni Isaac. Kakambal siya ng mas nakababatang kakambal na si Jacob (kilala rin bilang Israel). Batay sa salaysay na nasa Lumang Tipan ng Bibliya  (sa Henesis 25:30), tinawag siyang ganito sapagkat ipinagbili muna ni Esau kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay (naunang iluwal si Esau) bago bigyan ni Jacob si Esau ng hinihingi nitong "pulang pagkain" na niluto ng kapatid. Noong panahon nina Esau at Jacob, ibinibigay o ipinamamana sa panganay na anak ang malaking bahagi ng mana o pag-aari ng angkan. Sa pagbibili ni Esau ng kanyang pagkapanganay kay Jacob dahil sa pagkaing kulay pula hindi binigyan ng kahalagahan ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na tagapagmana.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.