Ang larangan ng
elektronika,
elektroniks, o
dagisikan ay ang pag-aaral at paggamit ng mga sistema na gumagana sa pamamagitan ng pagdaloy ng mga
elektron (o ibang mga
charge carrier) sa mga kagamitan katulad ng termiyonikong balbula at
semikonduktor. Bahagi ng inhinyeriyang elektronika ang disenyo at konstruksyon ng mga elektronikong sirkit at bahagi ng disenyo ng
hardwer sa
inhinyeriyang pangkompyuter.