Ang
apulid (
Ingles:
Chinese water chestnut o
water chestnut [karaniwang katawagan sa Ingles na ang literal na salin ay
kastanyas-tubig]; pangalang pang-agham:
Eleocharis dulcis) ay isang halamang kamukha ng
sedge (isang tila-damong
yerba) na itinatanim dahil sa mga nakakaing
corm. Ang apulid ay mayroong hugis-tubo at walang-dahong mga tankay na lumalaki hanggang 1.5 mga metro. Ang iba pang mga singkahulugang pangalang ginagamit para sa apulid ay ang mga sumusunod:
E. equisetina, E. indica, E. plantaginea, E. plantaginoides, E. tuberosa, at E. tumida). Ang halamang
water caltrop, na tinatawag din na
water chestnut sa Ingles, ay hindi kamag-anak ng apulid ngunit palagiang napagkakamalang apulid.