Ang
Eoseno (Ingles:
Eocene na may simbolong E
O) na isang epoch na tumagal nang mga 56 hanggang 34 milyong taon ang nakalilipas( hanggang ) ay isang pangunahing dibisyon ng iskala ng panahong heolohika at ikalawang epoch ng panahong
Paleohene ng Era na Cenosoiko. Ang Eoseno ay sumasaklaw ng panahon mula sa wakas ng epoch na
Paleoseno hanggang sa simula ng epoch na
Oligoseno. Ang simula ng Eoseno ay minamarkahan ng paglitaw ng unang mga modernong
mamalya. Ang huli ay itinakda sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon na tinatatawag na
Grande Coupure (the "Great Break" in continuity) o o ang pangyayaring ekstinksiyong Eoseno-Oligoseno na maaaring nauugnay sa pagbangga ng isa o higit pang malaking mga bolide sa Siberia at sa ngayong Chesapeake Bay. Gaya ng ibang mga panahong heolohiko, ang
strata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch na ito ay mahusay na natukoy bagaman ang eksaktong mga petsa ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalang
Eocene ay nagmula sa Sinaunang Griyegong (
eos,
bukang liwayway) at (
kainos, bago) at tumutukoy sa bukang liwayway ng moderno o bagong fauna na
mamalyan na lumitaw sa epoch na ito.