Ang
epikureismo (Espanyol: ; Ingles:
epicureanism) ay isang paniniwalang ibinunsod ni
Epikurus na naghahangad ng kalayaan mula sa kirot, sakit, at ligalig ng damdamin. Nagtatakwil ang mga
epikuro o
epikureano ng paniniwalang may kabilang buhay at nagtatakwil din sila ng pagsaklaw ng mga
bathala o mga
diyos sa buhay ng mga tao. Sa pagtuturo ni Epikurus, ang
kasiyahan ang pinakamataas na mabuti o kabutihan sa buhay. Subalit naging tumutukoy naman din ang salitang
epikureano sa pagiging
maluho,
marangya, o mahilig sa masasarap na alak o pagkain at maalwang pamumuhay, naging katumbas din ng salitang
hedonistiko, o angkop sa panlasa ng isang taong epikuro.