Si
Ernst Heinrich Philipp August Haeckel (Pebrero 16, 1834 – Agosto 9, 1919), ay isang biologong
Aleman, naturalista, pilosopo, doktor na medikal, propesor at artist na nakatuklas, naglarawan at nagpangalan ng mga libo libong
species at nagmapa ng isang punong henealohikal na naguugnay sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kanya ring inimbento ang maraming mga salita sa
biyolohiya kabilang ang
anthropogeny,
ecology,
phylum,
phylogeny,
stem cell at
Protista. Kanya ring itinaguyod at pinasikat ang mga akda ni
Charles Darwin sa
Alemanya. Kanyang binuo ang kontrobersiyal na teoriyang rekapitulasyon ("ontogeny recapitulates phylogeny") na ang pag-unlad na biyolohika ng indibidwal na organismo o
ontoheniya ay tumutugma at nagbubuod sa pag-unlad na
ebolusyonaryo nito o
piloheniya.