- Huwag ikalito sa Isaw.
Si
Esau ay ang lalaking kapatid ni
Jacob (na pinangalanang muli ng Diyos bilang
Israel) na isang patriyarka o ama at tagapagtatag ng mga Israelita sa
Bibliyang Hebreo o
Lumang Tipan ng
Bibliya. Nangangahulugan ang pangalang ito ng "
mabalahibo". Si Esau ang pinakamatanda o panganay na anak nina
Isaac at Rebeca (o Rebekah).
Apo siya ni
Abraham. Mga kambal na praternal sina Jacob at Esau. Unang ipinanganak ni Rebeca si Esau, habang pangalawa naman si Jacob na "nakakapit ang isang kamay sa sakong ni Esau". Kilala rin siya bilang
Edom at pinagmulan ng mga
Edomita.