Ang Kaharian ng Espanya (internasyonal: Kingdom of Spain; Kastila: Reino de España) ay isang bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa. Sinasaklaw nito ang Tangway ng Iberya kasama ng Portugal at Gibraltar. Ang hangganan nito sa hilagang-silangan, sa bulubunduking Pyrenees, ay ang Pransiya at ang maliit na prinsipado ng Andorra. Kasama sa territoryo nito ang Kapuluang Balear sa Dagat Meditereo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko, ang mga lungsod ng Ceuta at Melilla sa hilagang Afrika, at ilang maliliit at di pinananahanang pulo sa Meditereo sa tabi ng Kipot ng Hibraltar, gaya ng Islas Chafarinas, Peñón de Vélez de la Gomera, Peñón de Alhucemas, at Isla Perejil.