Ang
Espiritu Santo (literal na
Banal na Hininga o
Banal na Hangin) ay isa sa tatlong persona o katauhan ng
Diyos, na kabilang sa tinatawag na
Banal na Katatluhan. Sa
Lumang Tipan ng
Bibliya, sinasabing masigla ang Espiritu Santo sa
paglikha ng daigdig. Pinuno rin ng Espiritu Santo ng mga kapangyarihan ang piling mga
tao sa loob ng mga natatanging panahon. Ito ang espiritung kumilos upang makapag-akda ng mga aklat o kasulatan ang mga manunulat sa
Banal na Kasulatan. Sa
Kristiyanismo, sinasabing nang dahil sa pagkamatay at sa muling pagkabuhay ni
Hesus, nabubuhay na sa ngayon ang Espiritu Santo sa lahat ng mga mamamayan ng Diyos. Siya ang nagiging sanhi ng pagiging bago ng mga tao, at siya ring nagtuturo at nagbibigay sa sangkatauhan ng kalayaan sa pagkakaroon ng bagong buhay. Kung kailangan ng tao ng pagliliwanag ng isipan, sa Espiritu Santo ito hinihiling.