Ang
Republika ng Estonia, o
Estonia (
internasyunal:
Republic of Estonia, Estonyano:
Eesti Vabariik o
Eesti) ay isang bansa sa Hilagang Europa. Nahihiwalay ito mula sa
Pinlandiya sa hilaga sa pamamagitan ng makipot na Gulpo ng Pinlandiya at mula sa
Suwesya sa kanluran sa pamamagitan ng gitnang bahagi ng
Dagat Baltiko. May lupaing hangganan ang Estonya sa kanyang mga kapuwang
bansang Baltiko - ang
Latbiya sa timog at
Rusya sa silangan. Ang
Tallinn ang nagsisilbing kabisera nito.