Ang
Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo o
Ethiopian Orthodox Tewahedo Church (; Transliterated Amharic:
Yäityop'ya ortodoks täwahedo bétäkrestyan) ang nananaig na
Ortodoksong Oriental na sekta ng
Kristiyanismo sa
Ethiopia. Ang Iglesiang Ethiopian ay admnistratibong bahagi ng Iglesiang Coptic Ortodokso hanggang 1959 nang ito ay pagkalooban ng sarili nitong Patriyarka Coptic Orthodoksong Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika na si Cyril VI. Ito ay iba sa Ethiopian Catholic Church na isang iglesiang
Chalcedonian. Ang Iglesiang Etiopian ang isa iglesiang Kristiyano sa Sub-Saharan Aprika bago gawing
kolonya ang Aprika. Ang mga kasapi nito ay binubuo sa pagitan ng 40 at 45 milyon at ang karamihan ng mga ito ay nakatira sa Etiopia at kaya ang pinakamalaki sa lahat ng mga iglesiang
Ortodoksong Oriental. Ang Ethiopian Orthodox Tewahedo Church ay isang tagapagtatag na kasapi ng World Council of Churches.