Euclid


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Euclid
Si Euclid, Euclides, o Eukleides mula sa Griyegong Ευκλείδης o "Eukleides" (ipinanganak noong mga 330 BK) ang Griyegong pilosopong Ama ng Heometriya. Siya ay aktibo sa Alexandria, Ehipto sa paghahari ni Ptolemy I. Ang kanyang aklat ng heometriya na pinamagatang Mga Elemento ay naglalaman ng maraming mga aksiyoma, proposiyon at pagpapatunay ng mga proposiyon sa heometriya. Kanyang ihinuha ang mga prinsipyo ng tinatawag ngayong heometriyang Euclidean mula sa isang hanay ng mga aksiyoma. Ang aklat na ito ang isa sa pinakaimpluwensiyal na akda sa kasaysayan ng matematika na nagsisilbi bilang aklat pampaaraalan para sa pagtuturo ng matematika lalo na sa heometriya mula sa paglilimbag nito hanggang sa huling ika-19 at simulang ika-20 siglo. Kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid. Ang ilang mga historikal na reperensiya kay Euclid ay isinulat nina Proclus at Pappus of Alexandria mga siglo pagkatapos niyang mabuhay. Ipinakilala ni Proclus si Euclid bilang ang may akda ng Mga Elemento sa kanyang ika-5 siglong komentaryo nito. Binanggit naman ni Pappus noong ika-4 siglo na si Apollonius ay "gumugol ng isang napakahabang panahong kasama ng mga estudyante ni Euclid sa Alexandria at kaya ay nagkamit ito ng isang gayong siyentipikong kasanayan ng pag-iisip. Karagdagan ring pininiwalaan na si Euclid ay maaaring nag-aral sa Akademya ni Plato sa Athens.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.