Eukaristiya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Eukaristiya
Ang Eukaristiya o Komunyon ay ang "oras ng pagkain" o Hapunan ng Panginoon o Piging ng Panginoon na pinagsaluhan o pinagsasaluhan ng mga tagasunod ni Hesus upang alalahanin ang katawan ni Hesus na ibinigay ni Hesus para sa mga tagasunod na ito. Si Hesus ang nagtatag ng Eukaristiya sa pamamagitan ng paggawa niya ng isang himala: ang paggawa sa tinapay bilang tunay niyang katawan, at sa paggawa niya sa alak bilang tunay niyang dugo. Pinagsasaluhan ang alak upang gunitain ang dugo ni Hesus na pinadaloy para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga tagasunod ni Hesus. Nakakatulong ang piging o pagsasalong ito sa mga sumusunod kay Hesus upang balik-tanawin ang tatlong mga bagay: (a) na si Hesus ay namatay para sa mga tagasunod ni Hesus, (b) na buhay si Hesus at kapiling pa rin ng mga tagasunod niya sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, at (c) na kakain at iinom si Hesus sa piling nila sa kanyang pagbabalik. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, tinatawag din ang Eukaristiya bilang "paghahati ng tinapay" (breaking bread sa Ingles na parirala para rito). Sa Lumang Tipan ng Bibliya, pinagtibay ng dugo ng mga hayop ang mismong Limang Tipan ng Diyos sa tao. Samantalang sa Bagong Tipan ng Bibliya, pinagtibay ang mismong Bagong Tipan ng Diyos sa tao sa pamamagitan ni Hesus.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.