Ang
Europa ay isa sa mga pitong
kontinente ng mundo. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga
Bulubunduking Ural at
Kawkaso, ang
Ilog Ural, ang
Dagat Caspian, ang
Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at
Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang
Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang
Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang
Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat na Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa pulitika at kultura ng rehiyon.