Ferdinand Marcos


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ferdinand Marcos
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 111917 - Setyembre 281989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas  mula Disyembre 301965-Pebrero 251986. Siya ay isang abugado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at pagkabigong sugpuin ang panunuhol at korupsiyon sa pamahalaan. Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa sesesyon ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda noong Agosto 21,1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang nagbigay ng dahilan upang ipataw ni Marcos ang martial law. Noong 1972, idineklara ni Marcos ang martial law na nagpatagal ng kanyang pamumuno ng lagpas sa 2 termino limitasyon ng konstitusyon. Sa ilalim ng Martial law, ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Sa pagsuspindi ng mga karapatang sibil at ng Kongreso ng Pilipinas gayundin sa pagkabilanggo ng kanyang mga kalaban sa pulitika, binuo ni Marcos ang isang bagong konstitusyon ng 1973 na nagpapalit sa Kongreso ng isang Pambansang Asemblea at nagpatagal ng termino ng Pangulo sa anim na taon nang walang limitasyon sa bilang ng mga termino. Si Aquino ay natagpuang nagkasala ng korteng militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong Enero 17,1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at decree na inilabas noong martial law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong Agosto 21,1983 kung saan siya pinaslang sa tarmac ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos at pagpapatalsik kay Marcos ng mga mamamayan bilang pangulo dahil sa iniulat na mga malawakan at talamak na korupsiyon sa kanyang pamahalaan sa Rebolusyon sa EDSA noong 1986. Ito ay humantong sa paglisan ni Ferdinand Marcos at ng kanyang pamilya sa HawaiiEstados Unidos kung saan siya namatay noong 1989.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.