Ang
Frashokereti () ang terminong
Avestan para sa doktrina ng
Zoroastrianismo ng huling pagpapanumbalik ng uniberso nang ang masama ay wawasakin at ang iba pang lahat ng bagay ay magiging nasa perpektong pagkakaisa sa diyos na si
Ahura Mazda. Ang mga premiso ng doktrinang ito ang: (1) ang mabuti ay kalaunang mananaig sa masama; (2) ang nilikha sa simula ay perpektong mabuti ngunit kalaunang sinira ng masama; (3) ang daigdig sa huli ay papanumbalik sa perpeksiyon nito sa panahon ng pagkakalikha dito; (4) ang kaligtasan ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kabuoan ng mga pag-iisip, salita at mga gawa ng taong ito at walang interbensiyon kahit pa sa kahabagan o kaprisyoso ng anumang diyos ang magpapabago dito at kaaya ang bawat tao ay nagdadala ng responsibilidad sa kapalaran ng sarili nitong kaluluwa at sabay na makikisalo sa responsibilidad ng kapalaran ng daigdig.