Ang
Pranses (Pranses:
français;
Ingles:
French) ay isang wika na nagmula sa
Pransya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, sinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao (tinatawag na
francophones) bilang
inang wika, at 128 milyon na kinabibilangan ng mga tao na tinatanggap ito bilang pangalawang wika. Ito ang opisyal o pampangasiwaang wika sa iba’t ibang komunidad o samahan (katulad ng
Unyong Europeo,
International Olympic Committee,
Mga Nagkakaisang Bansa, at Universal Postal Union).