Galileo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Galileo Galilei
Si Galileo Galilei (Pebrero 151564 – Enero 81642) ay isang Italyanong pisikoastronomo,  pilosopo at siyentipiko na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler. Sa mga gawain din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.