Ang mga
Galliformes ay isang
orden ng mga
ibon na may mabibigat na mga katawan at nanginginain sa lupa, na kinabibilangan ng
pabo,
manok-gubat,
manok,
pugo ng Bago at Lumang Mundo, ptarmigano,
pugong labuyo,
benggala, at ng Cracidae. Kabilang ang mga ito sa karaniwang mga ibong sinisila ng mga taong maninila, kasama ng mga Anseriformes. Mahigit sa 250 nabubuhay na mga espesye ang matatagpuan sa buong mundo. Sa karaniwan, ang mga ibong kabilang sa orden ng Galliformes ay mayroong apat na mga daliri sa paa: tatlong mahahaba na nasa harapan ng paa upang makapaghukay o makapaghalukay at makapagkamot, at isang maiksi na nasa likuran naman ng paa.