Ang gameto (Ingles: gamete, mula sa Sinaunang Griyegongγαμετης; isinalinwikang gamete = asawang babae, gametes = asawang lalaki), na maaaring katumbas ng punla o binhi, ay isang may pagka-natatanging selulang pangkasarian o selulang pangpagtatalik na sumasanib sa isa pang gameto sa panahon ng pertilisasyon (konsepsyon) sa mga organismongnagpaparami sa paraang seksuwal (reproduksiyong seksuwal). Ang mga gameto ay nililikha ng mga selulang lithayop o selulang binhi (germ cell).