Si
Gautama Buddha o
Siddhartha Gautama Buddha (
Sanskrit: ;
Pali:
Siddhattha Gotama) ay isang gurong espiritwal mula sa subkontinenteng Indiyan na tagapagtatag ng
Budismo. Siya ay isang prinsipeng ipinanganak sa Lumbini, mula sa angkan ng mga Shakya, sa isang lugar na matatagpuan sa makabagong
Nepal malapit sa hangganan ng hilagang
Indya. Nanirahan siya ng halos buong buhay niya sa Hilagang
Indya at aktibong nagtuturo mula noong mga 563 BCE hanggang sa tinatayaang 483 BCE.