Ang Hibraltar ay panlabas na teritoryo ng Nagkakaisang Kaharian sa ibayong dagat. Matatagpuan ito sa katimogang bahagi ng Tangway ng Iberia sa Kipot ng Gibraltar na nag-uugnay sa Karagatang Atlantiko at Dagat Mediterranean at matatagpuan sa pagitan ng Europa at Aprika. Nakikibahagi ang teritoryong lupa nito sa Espanya, sa hilaga. Sa kasaysayan, naging mahalagang base para sa Sandatahang Lakas ng Britanya, at naging lugar para malaking base ng hukbong-dagat.