Sa paleoheograpiya, ang
Gondwana , na orihinal na tinawag na
Gondwanaland, ang pinaka katimugan ng dalawang mga superkontinente(ang isa ang
Laurasya) na kalaunang naging mga bahagi ng superkontinenteng
Pangaea. Ito ay umiral mula tinatayang 510 hanggang 180 milyong taon ang nakalilipas. Ang
Gondwana ay pinaniniwalaang nagtahi sa pagitan ng ca. 570 at 510 milyong taon ang nakalilipas at kaya ay nagsanib ng Silangang Gondwana sa Kanlurang Gondwana. Ito ay humiwalay sa
Laurasya noong 200-180 milyong taon ang nakalilipas(gitnang
Mesosoiko) sa panahon ng pagkakahati ng
Pangaea na lumipat ng papalayo sa timog pagkatapos ng pagkakahati.