Ang Republika ng Guinea-Bissau (bigkas: /ginibi.saw/; internasyunal: Republic of Guinea-Bissau, Portuges: República da Guiné-Bissau) ay isang bansa sa kanlurang Aprika, at isa sa mga pinakamaliit na bansa sa kontinente ng Aprika. Napapaligiran ng Senegal sa hilaga, at Guinea sa timog at silangan, kasama ang Karagatang Atlantiko sa kanluran. Dating kolonya ng mga Portuges sa pangalang Portuguese Guinea, nang maging malaya, dinagdag sa opisyal na pangalan nito ang pangalan ng kanyang kapital, Bissau, upang maiwasan ang pagkalito sa pagitan ng sarili nito at ng Republika ng Guinea.