Ang
gulang ay ang bilang ng mga taon mula pa nang ipanganak ang isang tao noong araw ng kanyang
kaarawan. Katumbas ito ng mga salitang
edad,
idad,
anyos,
tanda,
katandaan,
kagulangan, at
kahinugan. Kaugnay din ito ng mga salitang
katagalan,
panahon, at
kapanahunan. Nilarawan ni
Leo James English ang isang gumugulang na tao bilang "isang taong nadaragdagan ng karanasan" sa paglipas ng panahon. Ito ang salitang ugat ng
magulang na nangangahulugang ang ama o ina ng isang tao, bagaman maaari ring tumukoy ang
magulang, sa kalapit na diwa, bilang isang taong matanda na, nasa hustong edad na, at katumbas ng
may-gulang,
may-edad,
may sapat na gulang,
nasa gulang,
matanda,
mayor-de-edad, o
nasa karampatang gulang,
nasa hustong gulang,
nasa edad, o
malaki na. Samantala, tinatawag namang
kulang sa gulang,
kulang sa edad, o
menor-de-edad ang isang taong wala pa sa husto o tamang kaidaran.