Halamanan ng Eden


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Halamanan ng Eden
Ang Halamanan ng Eden o Hardin ng Eden (Hebreo גַּן עֵדֶן, Gan ʿEdhen) ay ang lugar kung saan nanirahan at namuhay ang unang lalaking si Adan at ang unang babaeng si Eba pagkaraang likhain sila ng Diyos. Sa Bibliyang Kristiyano, ang kuwento ng paglikha sa daigdig na nasa aklat ng Henesis ay naglalarawan kung paano namuhay sina Adan at Eba sa Eden na mapayapa sa piling ng lahat ng mga hayop. Pinangalagaan nila ang hardin at maaaring kumain ng anumang bunga o pagkain na makukuha magmula sa anumang mga puno maliban na lamang sa Puno ng Kaalaman. Pagkaraan nilang kumain magmula sa Puno ng Kaalaman, pinarusahan ng Diyos sina Adan at Eba sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila magmula sa Halamanan ng Eden na hindi na muling makababalik pa kailanman. Ang kuwento ay isinasalaysay sa Aklat ng Henesis 1-3 (nasa Lumang Tipan ng Bibliya at ng Tanakh. Sa Tanakh, ang Halamanan ng Eden ay tinawag bilang Paraiso.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.