Sa mga
tetrapod, ang
hallux o ang
malaking daliri ng paa ay ang pinaka panloob o naka hilera sa gitnang patayong hati ng katawan ng tao, o midyal) na
daliri ng paa. Maaaring hindi ito ang pinaka mahabang daliri sa paa ng ilang mga indibiduwal. Binigyan ito ng bilang na
digit I (unang daliri) sa wikang Ingles. Ang anyong panturing o pang-uri ng salitang
hallux sa Ingles ay
hallucal o "pangmalaking daliri ng paa". Nagmula ang
hallux sa
wikang Latin, katulad ng
pollex na tumutukoy sa hinlalaki ng kamay, na siyang katumbas na
daliri sa kamay.