Ang
Hangul (sa Timog Korea) o
Chosongul (sa Hilagang Korea) ay ang
alpabetong kasalukuyang ginagamit sa pagsulat ng
Koreano. Maihahambing ito sa
hanja, ang paraan ng pagsulat ng Koreano gamit ng mga logograpo ng
Tsino. Inilikha ang alpabeto sa gitnang bahagi ng ika-15 siglo at sa kasalukuyan, ito ang opisyal na alpabetong ginagamit sa
Hilaga at
Timog Korea, at ko-opisyal ito sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian sa
Republikang Popular ng Tsina.