Ang
Halamanan ng Eden o
Hardin ng Eden (
Hebreo גַּן עֵדֶן,
Gan ʿEdhen) ay ang lugar kung saan nanirahan at namuhay ang
unang lalaking si
Adan at ang
unang babaeng si
Eba pagkaraang likhain sila ng
Diyos. Sa
Bibliyang Kristiyano, ang kuwento ng
paglikha sa daigdig na nasa aklat ng
Henesis ay naglalarawan kung paano namuhay sina
Adan at Eba sa Eden na
mapayapa sa piling ng lahat ng mga
hayop. Pinangalagaan nila ang hardin at maaaring kumain ng anumang bunga o pagkain na makukuha magmula sa anumang mga
puno maliban na lamang sa Puno ng Kaalaman. Pagkaraan nilang kumain magmula sa Puno ng Kaalaman, pinarusahan ng Diyos sina Adan at Eba sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila magmula sa Halamanan ng Eden na hindi na muling makababalik pa kailanman. Ang kuwento ay isinasalaysay sa
Aklat ng Henesis 1-3 (nasa
Lumang Tipan ng Bibliya at ng
Tanakh. Sa Tanakh, ang Halamanan ng Eden ay tinawag bilang
Paraiso.