Ang
hardwer o
mga kagamitang metal ay tumutukoy sa anumang gamit o kasangkapan na yari sa
metal o
bakal. Pangkalahatang katawagan ito sa anumang
artipakto ng
teknolohiya, at maaari ring mangahulugang
komponente ng sistema ng
kompyuter, bilang mga
kompyuter hardwer. Sa diwang pangkasaysayan, ito ang mga metal na bahagi at pandugtong na ginagamit sa pagpapainam, pagpapatibay, pagpapatagal ng buhay, at nagpapabilis sa paglikha ng mga produktong na dating yari lamang sa purong kahoy. Sa makabagong kahulugan, kabilang na sa mga hardwer ang mga kagamitang tulad ng susi, kandado, seradura, alambre,
tanikala, tubo, mga kasangkapan sa pagluluto at
kusina, mga kasangkapang tulad ng
martilyo,
distilyador o
turnilyo, mga
kubyertos, at mga parte ng
makina, lalo na kapag yari na nga sa mga
bakal o metal. Tumutukoy din ito sa lahat ng mga bagay na itinitinda sa tindahan na hardwer din kung tawagin. Sa mas malawak na gamit ng termino, tumutukoy din ang hardwer sa mga pangunahing kasangkapan ng
militar katulad ng tangke,
salipapaw, o
barko.