Si
Michael Joseph Jackson (Agosto 29, 1958 – Hunyo 25, 2009) ay isang Amerikanong mang-aawit, manananghal, mananayaw, negosyante at pilantropo. Kadalasang binabansagang "Hari ng Pop", o sa kanyang inisyal na
MJ,) Tinaguriang pinakamatagumpay na manananghal sa lahat ng panahon si Jackson ayon sa
Guinness World Records. Ang kanyang mga ambag sa musika, sayaw, at pananamit, kasama ang kanyang personal na buhay, ang naging dahilan upang siya ay maging tanyag sa buong daigdig.