Haring David


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
David
Si Haring David o David ben Yishay [nangangahulugang "David na anak ni Isai"] (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel. Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga Israelita at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang Islam. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang Diyos na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si Hesus mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.