Hejaz


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Hejaz
Ang Hejaz, Al-Hejaz, Hiyaz, o Hijaz ( , literal na "ang harang") ay isang rehiyon sa kanluran ng pangkasalukuyang Saudi Arabia. Pangunahing nakahubog sa pamamagitan ng kanlurang hangganan nitong nasa Dagat na Pula, umaabot ito magmula sa Haql na nasa Tangway ng Aqaba hanggang sa mga hangganan ng Asir. Ang pangunahing lungsod nito ay ang Jeddah, subalit marahil ito ay mas nakikilala dahil sa mga pang-Islam na mga banal na lungsod ng Mecca at Medina. Bilang pook ng mga banal na lugar ng Islam, ang Hejaz ay mayroong kahalagan sa mga Arabo at Islamikong tanawing pampulitiko at pangkasaysayan. Ang rehiyon ay tinatawag sa ganitong kapangalan dahil ihinihiwalay nito ang lupain ng Najd na nasa silangan magmula sa lupain ng Tihamah na nasa kanluran.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.