Si
Henry Cavendish FRS (10 October 1731 – 24 February 1810) ay isang
Briton na siyentipiko na kilala sa kanyang pagkakatuklas sa
hidroheno na kanyang tinawag na "inflammable air"(madaling magsiklab na hangin). Kanyang inilarawan ang
densidad ng madaling magsiklab na hangin na lumilikha ng
tubig sa
kombustiyon sa papel na "On Factitious Airs" noong 1766. Kalaunan ay muling isinagawa ni
Antoine Lavoisier ang eksperimento ni Cavendish at nagbigay ng pangalan sa elementong
hidroheno(hydrogen). Si Cavendish ay tanyag rin sa kanyang eksperimentong Cavendish, pagsukat sa
densidad ng
mundo at sinaunang pagsasaliksik sa
elektrisidad.