Si
Herodotus ng Halicarnassus (Ἡρόδοτος Ἁλικαρνᾱσσεύς o
Hēródotos Halikarnāsseús sa Sinaunang Griyego) ay isang
mananalaysay na
Griyego na namuhay noong ika-5 dantaong BC at itinuring ni
Cicero bilang "Ama ng Kasaysayan." Siya rin ang itinuturing bilang "Unang Mananalaysay ng Mundo." Kinikilala si Herodotus bilang manunulat ng
The Histories, kung saan inilahad niya ang paglawak ng
Imperyong Persyano sa ilalim nina
Cyrus na Dakila,
Cambyses, at Darius na Dakila, at maging ang pananalakay ni
Xerxes noong 480 BC na nagtapos sa mga digmaan sa Salamis, Plataea, at Mycale. Inilarawan rin dito ang pagtutunggali ng mga Persyano at mga Griyego noon panahong iyon.