Ang
Hilagang Amerika (
Ingles:
North America) ay isang
kontinente sa hilagang hemisperyo ng
Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng
Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang
Karagatang Atlantiko sa silangan,
Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang
Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng
Asya at
Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at
Europa.