Ang
Hinduismo ang nananaig na relihiyon ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Srauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabiblangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyonng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma,
dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala.