Hipotesis


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Hipotesis
Ang hipotesis (mula sa Ingles na hypothesis kung isahan na nagiging hypotheses kung maramihan, na nagbuhat naman sa Griyegong ) ay isang palagay o haka na pinaghahanguan ng katwiran o paliwanag para isang kababalaghan o penomeno. Ang kataga ay hinango magmula sa wikang Griyegong ὑποτιθέναι – hypotithenai na nangangahulugang "ilagay sa ilalim" o "ipagpalagay". Upang maisulong ang isang hipotesis bilang isang hipotesis na makaagham, ang pamamaraang pang-agham ay nangangailangan na ang isang hipotesis ay masusubukan o maipapailalim sa isang pagsusulit. Pangkalahatang ibinabatay ng mga siyentipiko ang pang-agham na hipotesis sa nakaraang mga obserbasyon na hindi maipalawanag na nakakapagpaniwala o hindi makapagpakumbinsi sa pamamagitan ng mga teoriyang pang-agham. Kahit na ang mga salitang hipotesis at teoriya ay kadalasang magkasingkahulugan, ang isang hipotesis na pang-aham ay hindi katulad ng teoriyang pang-agham. Ang isang panggawaing hipotesis ay isang pansamantalang tinatanggap na hipotesis na iminungkahi para sa karagdagan pang pananaliksik.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.