Ang Hominidae ang taksonomikong pamilya ng mga primado na kinabibilangan ng mga tao, mga chimpanzee, mga bonobo, mga gorilya, at mga oranggutan. Ito ay tinatawag ring mga dakilang mga bakulaw o malaking bakulaw upang itangi mula sa mas maliit na bakulaw(mga gibbon). Ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga hominido, hominidyo o hominid.