Ang
Hominini ang tribo ng
Homininae na bumubuo sa henus na
Homo at ibang mga kasapi ng kladong tao pagkatapos ng paghihiwalay mul asa tribong
Panini (mga chimpanzee). Ang mga kasapi nito ay tinatawag na mga
hominin (
Hominidae, "mga hominid"). Ang subtribong Hominina ang sangay ng tao na kinabibilangan ng henus na
Homo. Iminungkahi ng mga mananaliksik ang taxon na Hominini batay sa ideya na pinakakaunting katulad na species ng trikotomiya ay dapat ihiwalay mula sa dalawang iba pa. Ang ilang mas maagang mga skema ng klasipikasyon ay kinabibilangan ng henus na
Pan (chimpanzee) sa loob ng Hominini ngunit ang klasipikasyong ito ay bihira ngayong sinusunod. Ang
Sahelanthropus tchadensis ay isang extinct
hominid species na nabuhay noong mga 7 milyong taong nakakalipas na napakalapit sa panahon ng paghihiwalay ng chimpanzee/tao. Hindi maliwanag kundi ito ay maituturing na kasapi ng tribong Hominini.