Ang henus na
Homo ay binubuo ng
modernong tao at mga uring katulad nito. Ang henus na ito ay tinatatayang may mga 2.3 hanggang 2.4 milyong taong gulang, nag-evolve ito mula sa mga
Australopitikong ninuno sa paglabas ng
Homo habilis. Sinasabing ang
H. habilis ay direktang nagmula sa
Australopithecus garhi na namuhay ng 2.5 milyon taong nakalipas. Subalit noong May 2010 ay natuklasan ang
H. gautengensis, isang uri na maaaring mas matanda pa sa
H. habilis.