Ang
Denisova hominins , o mga
Denisovan, ay isang panahong
Paleolitikong mga kasapi ng henus na
Homo na maaaring kabilang sa isang nakaraang hindi alam na espesye ng
tao. Noong Marso 2010, inanunsiyo ng mga siyentipiko ang pagkakatuklas ng isang daliring pragmentong buto ng isang batang babaeng nabuhay ng mga 41,000 taong nakalilipas na natuklasan sa isang malayong kweba sa Mga Bundok Altai sa
Siberia na tinahanan din ng mga
Neanderthal at
anatomikong modernong mga tao. Ang analisis ng DNA na mitokondriyal(mtDNA) ng darili ay nagpapakitang ito ay henetikong malayo mula sa mga mtDNA ng mga
neanderthal at
anatomikong modernong mga tao(modern humans). Ang kalaunang pag-aaral ng genome na nukleyar mula sa specimen na ito ay nagmumungkahing ang pangkat na ito ay nagsasalo ng isang karaniwang pinagmulan sa mga
neanderthal, ang mga ito ay sumaklaw mula Siberia hanggang Timog Silangang Asya at ang mga ito ay namuhay at nakipagtalik sa mga ninuno ng kasalukuyang mga modernong tao na ang hanggang 6% ng
DNA ng mga
Melanesian at mga Aborihineng Australyano ay hinango mula sa mga Denisovan. Ang parehong analisis ng buto ng daliri ng paang natuklasan noong 2011 ay kasalukuyang isinasagawa.