Ang
Homo erectus (mula sa
Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus na
Homo. Unang nilarawan ito ng
anatomistang Olandes na si
Eugene Dubois noong mga 1890 bilang
Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng
bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil,
Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang
Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa
Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng
taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong
Palaeontologica Sinica (Serye D) Natagpuan ang mga labing
fossil sa
Java noong mga 1890 at sa
Tsina noong 1921. Subalit halos nawala na ang lahat ng mga ito noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit marami namang mga hulmang itinuturing na mga tunay na katibayan.