Ang
Homo habilis (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-anong mga bagay) ay isang
extinct na species ng genus na
Homo, na namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng panahong
Pleistoseno. Ang
Homo habilis (o maaaring
H. rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus na
Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang
H. habilis ay ang pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na
Homo (maaaring maliban sa
H. rudolfensis). Ang
H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga
australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang sa
bakulaw, ang mga nalalabi ng
H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge,
Tanzania at Lawa ng Turkana,
Kenya). Ang
Homo habilis ay sabay na nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya ng
Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng
Paranthropus boisei at mga
matipunong kamag-anak nito ay naglaho na sa fossil record.