Ang
Homo heidelbergensis na minsang tinatawag na
Homo rhodesiensis ay isang
extinct na species ng
Homo na namuhay sa Aprika, Europa at kanluraning Asya mula 600,000 taong nakakalipas at maaaring mula pa noong 1,300,000 taong nakakalipas. Ito ay nabuhay hanggang 200,000-250,000 taong nakakalipas. Ito ay pinaniniwalaang ang karaniwang ninuno ng mga
Homo sapiens sa Aprika at mga
Neanderthal sa Europa at marahil ay ng mga
Denisovan sa Asya. Ito ay unang natuklasan malapit sa Heidelberg sa Alemanya noong 1907 at pinangalanan ni Otto Schoetensack.