Hudyong Kristiyano


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Hudyong Kristiyano
Ang mga Hudyong Kristiyano o Hudeo-Kristiyano o Hudyong Kristiyanismo ang mga orihinal na kasapi ng kilusang repormang Hudyo na kalaunang naging Kristiyanismo. Sa pinakamaagang yugto nito, ang pamayanang Hudyo Kristiyano ay binubuo ng mga Hudyo na tumanggap kay Hesus bilang isang kapitapitagang tao o kahit ang mesiyas. Habang lumalago ang Kristiyanismo, ang mga Hudyong Kristiyano ay naging isa lamang sekta ng pamayang Kristiyano. Ang Hudyong Kristiyano ay inilalarawan ng paghayag ng mga ito kay Hesus bilang mesiyas at patuloy na pagsunod sa mga kautusang Hudyo at mga kustombreng Hudyo gaya ng pagmamasid ng Sabbath at mga banal na araw ng Hudaismo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.