Ang
mga araling nauukol sa tao o
mga araling pantao (
Ingles:
Humanities, "pagkatao," o
The Humanities, "mga pagkatao" ng
tao) ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo); dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding
humanidades o
umanidades - mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamit sa mga
likas na agham at mga
agham panlipunan.