Si
Sir Humphry Davy, Unang Baronet, FRS MRIA (ipinanganak noong 17 Disyembre 1778 sa Penzance,
Cornwall,
Inglatera; namatay noong 29 Mayo 1829 sa
Lungsod ng Ginebra,
Suwisa), ay isang
kimiko na ang pag-aaral ng elektrokimika ay humantong sa unang dalisay na mga anyo ng ilan sa mga
elementong kimikal na katulad ng
potasyo at
sodyo. Isa rin siyang
imbentor. Marahil siya ay pinaka naalala sa ngayon dahil sa kaniyang pagkakatuklas ng ilang mga metal na alkali at mga alkalinang metal ng mundo, pati na sa mga naiambag niya sa pagkakatuklas ng mga kalikasang pang-elemento ng
klorina at ng
iyodo. Tinawag ni Berzelius ang Panayam na Bakeriano ni Davy noong 1806 na pinamagatang "Hinggil sa Ilang mga Ahensiyang Pangkimika ng Kuryente" (
On Some Chemical Agencies of Electricity) bilang isa sa pinakamahusay na
talang-gunita (
memoir) na nakapagpayaman sa teoriya ng kimika. Ang sulating ito ay nakatuon sa anumang teoriya ng pagkakaugnayang pangkimika noong unang hati ng ika-19 na daantaon. Noong 1815, naimbento niya ang lamparang Davy, na nakapagpahintulot sa mga mangmimina (mga minero) na makapagtrabaho nang ligtas habang mayroong mga gas na maaaring magliyab.