Ang
Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat (
Ingles:
International Standard Book Number, dinadaglat bilang
ISBN) ay isang natatanging bilang na nagpapakilala sa mga
aklat na nakabatay sa kodigong Pamantayang Pagpapabilang ng mga Aklat (
Standard Book Numbering, SBN), isang sistema na may siyam na bilang na nilikha ni Gordon Foster, Propesor Emeritus ng Estadistika sa Trinity College sa
Dublin,
Irlanda, para sa mga tindahan ng aklat na nasa pagmamay-ari ng W. H. Smith, isang kompanya mula sa
Nagkakaisang Kaharian, at ibang mga librerya noong 1965.