Ika-18 dinastiya ng Ehipto


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto
Ang Ikalabingwalong Dinastiya ng Sinaunang Ehipto o Dinastiyang XVIII (c. 1550–c. 1292 BCE) ay marahil ang pinakakilala sa lahat ng mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto. Kabilang sa mga sikat na paraon sa dinastiyang ito ang paraon na si Tutankhamun na ang pagkakatuklas ng libingan nito ni Howard Carter noong 1922 ay isang sensasyonal na pagkakatuklas sa arkeolohiya sa kabila ng pagkaistorbo ng libingang ito ng mga magnanakaw ng libingan. Ang dinastiyang ito ay minsang kilala bilang Dinastiyang Thutmosid dahil ang apat sa mga paraon nito ay pinangalanang Thutmosis(batang Thoth). Bukod kay Tutankhamen, ang mga sikat na paraon nito ay kinabibilangan ni Hatshepsut (1479 BCE–1458 BCE) na pinakamahabang namunong reynang paraon ng isang katutubong dinastiya at Akhenaten (1353–1336 BCE/1351–1334 BCE) na "heretikong paraon" kasama ng kanyang reynang si Nefertiti. Ang Dinastiyang XVIII ay kadalasang isinasama sa mga Dinastiyang XIX at Dinastiyang XX upang bumuo ng panahong Bagong Kaharian ng kasaysayan ng Sinaunang Ehipto.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.